lihim…..

naglalakad sa isang kalye
palingalinga at mababagal ang hakbang
wala naman hinahanap na partikular
pamilyar lamang ang lugar
maging ang mga taong nakakaharap

huminto…
napatigil sa paglalakad
nakuha ang atensyon ng isang napakalaking pintuan,.
na mayroon iba’t-ibang dekorasyon at kulay
ngunit pinangingibabawan ng mga kulay puti,pula at itim.

nagmasid…
sa di’ mabilang na mga taong naglalabas-pasok
maingay,magulo,kalat
ang iba ay naguunahan at nagtutulakan
ang ilan naman ay nanunubok lamang

may ibang pumasok na malungkot
paglabas ay nakangiti na at masaya
mayroon naman pumasok na masaya
at punong-puno ng pananabik
ngunit paglabas ay malungkot at may luha

ang ilan ay makikitaan ng galit sa mga mata
mayroon naman na tila walang pakialam
tuwa,galit,takot,pagkabahala,pag-asa..
iba’t-ibang emosyon,sari-aring reaksyon
iba’t-ibang mukha,sarisaring tao

dumilim ang kalangitan. . .
babala ng isang malakas na ulan
umihip ang malamig na hangin
na sumusugat sa buto at kalamnan
nanunuot sa kalooblooban.

nagkagulo..
mabilis nag-takbuhan palabas ang mga tao
nagtulakan,nag-apakan
di alintana kung may masaktan
o may masugatan man

nanginig sa lamig. . .
mga paa’y gusto ng sumuko mula sa mahabang paglalakbay
humakbang papalapit sa malaking pituan
na ngayo’y inabanduna
ng mga taong kanina lamang ay dumagsa

sumilip,.
nag-aalinlangan,.
sa huli ay pumasok na rin,paloob…
nakabibingi ang katahimikan
nakasasakal ang kapaligirang walang laman

natanaw ang isang salamin
kung saan nakalatag ang repleksyon ng kabuuan ng lugar
maging ang lihim na sa kanya ay bumabalot
isang pusong
niluma,piniraso,binutas,sinugatan..

nakaramdam ng kirot
nakiramdam sa pinanggagalingan ng sakit
yumuko
nakita ang kamisetang duguan
na itinatago ang dibdib na butas…

Leave a Reply